AiLs' Blog
ailoveyou24@blogspot.com
B L O G   E N T R I E S
Tuesday, June 21, 2011

» Ayos lang naman "magyabang" o "magmalaki"


Basta ba ganito ka:


May maipagmamalaki ka talaga (strengths) - Sa totoo lang mas maganda ‘yung aminado ka sa kung anong mayroon ka, kesa magbulag-bulagan ka pa. Nothing’s really wrong with being proud. Saktuhan mo nalang, 'wag astang perpekto.

Umaamin ka sa mga kahinaan mo (weaknesses) - Kung marunong ka rin lang palang magyabang, dapat marunong ka ring magbaba. Ang pagpapakita ng kahinaan ay pagpapatunay na 'di ka perpekto at tao ka lang.

Wala kang tinatapakang tao - Imbes na maging proud ka nalang sa sarili mo, bakit pupunain at ibababa mo pa 'yung ibang tao? Hindi porket nalamangan mo sila at mayro'n kang maipagmamalaki na wala sila, mangtatapak kana.

Marunong ka ring 'mag-angat’ ng kapwa mo - Nagbibigay rekognisyon ka rin sa “kalakasan” o strengths ng iba, pinupuna mo ang mga bagay na dapat rin nilang ipagmalaki, at proud ka para sa kanila. Hindi 'yung PURO ikaw lang.