AiLs' Blog
ailoveyou24@blogspot.com
B L O G   E N T R I E S
Sunday, August 7, 2011

» UPCAT

Goodluck to everyone taking the UPCAT today! Naalala ko nung nag-take ako ng UPCAT, hinihika ako (as in 'yung malala na hika, that time wala pa 'kong puff at puro sa nebulizer/oxygen ako umaasa.) Sobrang nakakahiya kasi ang tahimik sa room, nagcoconcentrate ang lahat tapos ubo ako ng ubo. Baka nga may hindi pa nakapasa dahil nadistract sa'kin LOL.

Sa kasamaang palad, lumagpas yung UPCAT score ko for Diliman ng .3 something (hanggang 2.2 ang pasado, I got 2.5) Pasado ako sa UP Manila, UPLB, at ibang branch, kaso anek gagawin ko run? Gusto ko ng course na math/music/art ang major, eh puro medical sa UPM at sobrang layo ng LB. Kaya ayun, goodbye, UP! Baka di tayo meant to be.

Kung isa ka sa mga magte-take ng exam, 'wag kang magmadali pero 'wag ka ring mag-waste ng time kung hindi mo talaga alam 'yung sagot. Goodluck! YOU GOT THIS!!